Monday, August 5, 2013
The enforcer, a.k.a. Pulis Patola
I have no compassion when it comes to traffic enforcers. To me, they are the scum of the earth. I don't care what Tolentino says about their jobs being an act of "heroism" or "self-less" giving. I don't believe in Tolentino when he says that. To me, they are the people whom the government provides jobs for. But they don't do their jobs well. As a matter of fact, these are the kind of people whose jobs make other peoples lives a living nightmare.
I apologize to my English readers that I will write this down in my native language. I am doing this because I am hoping to God that somewhere along the way, even the lowly traffic enforcer will be able to read this blog or someone will make him read it or some government official who does not know how to read the English language will be able to read this and understand the lament of the daily commuter.
Mas matalas pa sa ilong ng aso ang ilong ng traffic enforcer ng bawat siyudad ng Metro Manila pag dating sa paghuli sa mga pribadong sasakyan sa number coding. Parang ang mga mata nila eh nakatutok lamang sa plaka ng mga kotse. Lumagpas ka lang ng 15 minuto dahil na traffic ka sa SLEX dahil may bus na bumangga sa pader eh malas mo talaga. Walang lusot lusot kay traffic enforcer. Hindi naman niya kasalanan na may nagkarambulan sa SLEX. Wala siyang pakialam na gumising ka ng 4 ng madaling araw, umalis ka ng bahay ng 5 para lamang di maipit sa SLEX traffic at boom - may bus na bumangga sa container van at leche - isang lane lang ang puedeng dumaan. Galing ka ng Santa Rosa at hanggang ngayon, alas 7 na, nasa Alabang ka pa lamang. Buwisit talaga. Hindi lang yung traffic enforcer. Pati na ang number coding scheme na yan. Buwisit! Malas! Nung nagpasabog si satanas ng ganid sa mundo, bakit kaya gising ang mga local government officials at MMDA?
Nakakainis talaga yang mga traffic enforcers na yan. Di ko nga alam kung bakit at paano sila natawag na traffic enforcers eh sila ang taga dulot naman ng traffic. Isama mo na yan sa listahan ng kung paano mababawasan ang traffic sa metro manila - bawasan o ibura ang mga traffic enforcers sa lansangan. Sa totoo lang eh mga glorified kotong boys ang mga iyan. Iyan ang bagay na tawag sa kanila. Bawat lugar na may bawal na sakayan at babaan ay meron traffic enforcer diyan - na nakatunganga lang. Di ko nga malaman kung pipi, bulag or bingi ang mga yan. Di ko naman puedeng sabihin na bulag sila, kasi pag may kotseng number coded, eh mas mabilis pa sa alas kuwatro ang mga hunghang na yan na manghuli. Lalo na sa Las Pinas, yung mga traffic enforcer nila eh nasa gitna ng kalsada. Kahit na yung katabi nilang jeep ay nagsasakay at nagbababa ng tao sa gitna din ng kalsada o kahit na may kuliglig na nag-counterflow ng sarili niyang sikap eh walang nakikita yung traffic enforcer. Parang sinabi ni Aguilar - "EYES ON THE PLATE NUMBER LANG MGA IHO! Diyan ang delihensiya ninyo.!"
Delihensiya!
Yan naman talaga ang pakay ng bawat traffic enforcer sa bansa. Wala naman akong pakialam kung meron umiiyak na traffic enforcer ngayon at ang tingin niya eh niyurakan ko ang kanilang trabaho. Pwe! Anong trabaho pinagsasabi ninyo? Wala pa akong nakikitang traffic enforcer na tinotoo niya ang kaniyang trabaho. Bakit pagdating sa paghuli ng mga pribadong sasakyan dahil nag-beat ng yellow light (ewan ko kung anong parte ng batas na meron beating the yellow light) eh ang siba ng mga traffic enforcer? Eh dito sa Pasong Tamo nga kaninang umaga, yung jeep na kasabay namin eh umarangkada na lang kahit naka-pula ang stop light! Sabi ko sa driver ko, kung tayo iyan, pustahan tayo yung dalawang pulis patola (my terms of endearment to traffic enforcers) na nasa kanto eh hahabulin tayo.
Wala kasing delihensiya pagdating sa mga yagit. Kakosa ng mga pulis patola yan. Mga kapwa mahirap. Isang kahig, isang tuka. Eh paano nga naman aangat ang mga buhay ng mga yan eh ang pinagkakaabalahan nila eh paano makapag-delihensiya. Di naman sila tapat sa trabaho nila. Pag pumapatak na ang ulan or kundi bumuhos bigla, parang mga Gremlins ang mga yan...nagtatago na at baka dumami, este, baka mabasa at baka magkapulmonya? Weh! Kaya pag tagulan, buhol buhol ang traffic sa Metro Manila. Busy masyado mag-text at candy crush yung iba diyan. Tatakbo na lang sa gitna ng langsangan pag buhol buhol na ang trapik. At parang wala silang coordination sa isa't isa? Makikita mo sa kabilang kanto eh may nagwawagayway na "STOP" pero yung nasa harap mo eh nagpapahiwatig na "GO". Ang gulo nila! Tinatanong pa ba kung bakit? Dahil wala na din ang mga pulis patola.
Ang daang matuwid na pinaglalandakan ng ating Pangulo ng Pilipinas ay walang saysay kung ang pinakamababang tao na taga-pamahalaan o pinapasuweldo ng pamahalan ay hindi sumusunod. At sa batas trapiko, ang mga traffic enforcers na ito ang pinakamababa sa kanila. Pera ng taong bayan, pera ng mga may kotse at pribadong sasakyan, pera ng mga nagbabayad ng buwis ang nagpapakain sa kanila tatlong beses isang araw! Walang kontribusyon ang mga jeepney drivers, kuliglig boys at bus drivers sa kanilang kabuhayan.
Bakit natatakot ang mga pulis patola humuli ng mga driver ng pampublikong sasakyan? Isa lamang ang dahilan. Lagay!
Pera pera lamang ang katapat ng mga pulis patola. Kay delihensiya siya sa pribadong sasakyan o lagay mula sa sasakyang pampubliko. No matter how you look at it, bribery pa din yan.
They are a waste of time and resources and seriously, they give the Philippines a very bad name. If the government is really bent on taking the painful narrow yet straight road to economic and moral recovery, it needs to clean up the people from the lowest ranks and not just the upper ranks.
These lowly ranked government workers are the multitude rather than the exception. And while they may be raking in peanuts compared to the "untouchables" up in the air, the amount of money that is being raked in is still in the billions.
However you look at it, a thief is still a thief. Media should not only center on the high profile criminals working in the government. It doesn't matter who the criminal is. A criminal from the ranks of the traffic enforcers projects a bad image to the Boss - because the buck stops up there.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment