Tuesday, October 6, 2009

Maarte and Pinoy!




Kamuntik na ako makasapak ng tao. Leche talaga yang mga pasahero at mga pampasadang pampubliko na tumatambad sa mga kalye natin sa Metro Manila. Sabii nga ni Fernando Poe, Jr na "masikip ang mundong ito para sa atin". At masikip nga ang kalye ng Maynila para sa mga lintik na pedicab, tricycle, jeep, bus at ang mga bagong ipis - ang mga motor!

Hindi ko alam kung sino ang nagpauso ng sangkatutak na iba't ibang klaseng mga pampasadang pampubliko sa Pinas. Parang mga kabute na bigla na lamang nagsulputan. At lahat ng sulok ng ka-Maynilaan ay nagdurusa dahil sa pampasaherong publiko.

Hindi sa pagaalipusta, pero sa totoo lang, OA masyado ang pampasaherong publiko natin. Kung titignan mo, eh kahit na anong oras may pampasaherong publiko tayo na masasakyan. Kahit na walang laman yang mga jeep at bus at pedicab at tricycle, eh nasa kalsada sila. Nagaabang sa mga lugar na nakalagay "no loading and unloading". Harap harapan ng mga MMDA o pulis o trafik enforcer na lokal na pamahalaan. Eh mga ganid din yan mga yan. Hanep naman sila manghuli ng mga "color coding" pero yung mga pampasaherong publiko, harap harapan na ang paglabag sa batas pang trapiko, eh bulag bulagan pa ang mga putres na yan.

Isama na ninyo ang mga maaarteng mga pasahero. Dapat pag sinabi nilang PARA!!!, eh dapat mag preno agad ang mga driver. Kahit na tumilapon ang matanda na nakatayo sa harap mo, eh dapat bumaba na ang hitad na sumigaw ng PARA!!! Sana bumaba na ang putres na yon nung bumaba na yung isang ale sa kanto. Eh di pa nakaka primera ang driver, eh bababa na din itong hitad. Dapat kasi, sa harap ng barong barong o sa harap ng iskwater area o sa harap talaga ng bahay nila ihatid! Kulang na lang pag sigaw niya ng PARA!!! eh bababa ang driver din para buhatin ang hitad at dalhin ang prinsesa or reyna o prinsipe o hari hanggang sa paanan ng bahay nila. Leche talaga ang mga yan.

Kung may bayag man ang ating mga pinuno, at talagang may batas sa Pinas, eh dapat siguro takutin na talaga yang mga talipandas na yan na sobrang arte pagdating sa patakaran ng lansangan. Dapat, gawin ng pamahalaan ang mga sumusunod na patakaran:

1. Pag nahuli ang pedicab, tricycle, jeep o bus na nag loading and unloading sa mga lugar na bawal, tanggalin ng lisensiya ang driver at bawal na maging driver habang buhay. Sa totoo lang, wala siyang karapatan at rason para mag load and unload sa lugar na di dapat. Walang dahilan kahit na manganganak ang unano na sakay niya! Right there and then, sinusunog ang lisensiya at di na dapat bigyan kahit kelan ng LTO!

2. Ang pasahero na mahilig sumigaw ng PARA!!! ay dapat parusahan din. Kung sumakay at bumaba siya sa lugar na bawal, eh dapat may karapatan siyang masagasaan. Walang kasalanan ang nakasagasa sa kanya. Dapat may premyo pa nga ang makakasagasa sa mga pasaway na yan. Kung di sila masagasaan, ay dapat mahuli. Ang multa, kulong ng isang buwan na walang piyansa.

3. Ang mga linta at lintek na MMDA, pulis patola at trafik enforcers na mahilig mangotong ay dapat may death sentence to be implemented sa loob ng 24 oras mula sa pagkahuli sa akto. Kung masyadong mapanindig balahibo itong mga panukalang ito para sa mga human rights activists, eh puede naman gaanan. Putulin ang kamay ng mangongotong sa unang pagkakamali. Sa pangalawang pagkakamali, eh putulin na ang ulo. Matigas na masyado at di madala sa pagputol ng isang bahagi ng katawan.

4. Ang mga putres na pedestrian na tumatawid sa kalye natin ay isa pang balakid. Dahil lumaki tayo sa pambansang laro na patintero, eh ganun din akala ni Pepe at Pilar sa lansangan ng Pinas. Kaya ayan, hanggang paglaki, eh akala ng mga hitad na puede silang makipagpatintero kay Pantranco. Buwisit talaga. Gumagastos ako, mula sa buwis na binabayad ko, sa pagpatayo ng overpass para makatawid ng tama. Ang mga gago ay ayaw umakyat. Nakakapagod daw. Baka lumaki daw ang bayag nila. Baka mawala ang taba sa katawan nila. Kakakain lang daw nila at baka magka appendicitis daw sila. Ayyayay!!! Pag nakinig ka sa mga katwiran nila, aatakihin ka sa puso!! Lahat may rason. Aba eh kung ganun lang naman, gawin batas na bawal na gumawa ng overpass. Sayang lang ang pera. Kurakot lang ito ni Mayor. Eh wala naman gumagamit at walang pakinabang. Halimbawa na lang sa may amin sa Alabang. Sa harap ng Ayala Alabang Town Center eh may overpass na nakatumbad sa loob ng mall. Pero walang umaakyat dito. Ang dakilang Mayor namin na anak yata ni San Pedro ay gumuhit pa na pedestrian lane, mga 25 metrong layo mula sa overpass na ito. Dios mio!!! Talk about stupidity ano?!?!?! Eh talaga naman wala kang masabi dahil wala ngang mas stupid pa sa ginawang ito.

At ganyan ang Metro Manila mga kaibigan. Isang malaking lugar na punong puno ng mga maarte. Walang urban planning. Pulos kabig kung saan kikita. Sa kurakot. Sa kotong. Sa lagay. Walang disiplina. Palakasan. Short cut. Palakasan. Inaapi kami kasi kami'y dukha. Anak ng jueteng at tipaklong. Kung lahat ng mga yan eh pakikinggan natin, talagang paurong ang bansang ito.

Kahit na gaano kalapad mo gawin ang kalye, kahit na lagyan mo pa ng fountain and bawat plaza sa ilalim ng overpass, hanggang waland direksyon at ambisyon para ituwid and mali sa mga lansangan, eh talagang impiyerno ang pagmamaneho sa lansangan ng Pinas.

Eh ano pa nga ba, maarte talaga ang Pinoy!

No comments: