Friday, August 21, 2009
Mayabang ang Pinoy
Mahirap man tanggapin, aminin natin na sa buong mundo, ang Pinoy ang ISA sa pinakamayabang na lahi. Di ko alam kung mas mayabang sa atin ang Bumbay o ang Intsik.
Itong talakayan ukol sa mas murang gamot ang isang halimbawa ng kayabangan na punong puno ng hangin ng Pinoy. Kaya gagamitin ko ang wikang pambansa sa talakayang ito.
Pinagpapatayan ng mga mambabatas, ni Boy Padyak, ng mga aktibistang lukaret na ibaba ang presyo ng gamot na sabi nila ubod ng mahal sa Pinas kung ikukumpara sa ibang bansa. Ano ba ang pinagbasehan ng mga magagaling na ito? Sabi ng iba mas mura daw sa India at Pakistan ang gamot kesa dito. Sabi ng iba dapat lamang pantayin ang presyo ng gamot sa bansa natin sa kinikita ng pangkaraniwang mamamayan.
Mga sira pala ang tuktok ng mga ito! Habang nasa tama ang iba, na may pagkamahal ang gamot natin dito kumpara sa ibang bansa, isipin din naman ninyo kung ano ang tunay na "essential medicines". Aba, hindi naman ganyan kagaling ang Pfizer at sobrang naging batayan ang benta ng kumpanyang yon para sabihin na apat sa kanilang mga gamot ang kailangan ng MRP o "maximum retail price".
Hindi lahat ng mataas na presyon (hypertension) ay ginagamot lamang ng amlodipine (Norvasc). At hindi lang Pfizer ang nagbebenta ng amlodipine. At bakit naman pati ang gamot na Lipitor (Atorvastatin) eh nasama sa listahan? Dahil matataas daw ang cholesterol ng Pinoy! Eh kumain ka naman ng chicharon, lechon, estofado, kaldereta, talaba, taba ng talangka, adobo, Jollibee, McDonald's, KFC, Max fried chicken eh di kaya tumaas ang cholesterol mo? Isara ninyo ang mga tindahan na yan muna! Turuan ang Pinoy na kumain ng tama. Eh parang mga kabute naman yang Jollibee na yan. Pati nga si Doc Aga, tumaas ang cholesterol dahil sa prankisa ng kanyang Jollibee! Turuan ang Pinoy na mag ensayo. Turuan ang Pinoy na maglakad! Tamad ang Pinoy! Bus, Jeep, Tricycle o Padyak ang sakay niya, eh dapat ihahatid hanggang sa tapat ng bahay niya. Di bale na kung wala sa tamang sakayan at babaan. Basta nabarayan na, eh dapat sa tapat ng bahay or kung san man nilang gustong sumakay at bumaba!
At bakit naman pati ang gamot na Zithromax (Azithromycin) eh napasama sa listahan? Tanga talaga ang nag-isip (o wala talagang isip) yung naglagay sa gamot na yan sa listahan. Bakit kamo? Eh hindi naman pangkalahatang sakit yang Zithromax na yan. Kung kelangan mo ng mas murang Macrolide, aba, andiyan ang Eryrthromycin na pinagpatayan pa ng Pilipinong naka-diskubre ng gamot na yan sa lupang hinirang ng bayan!
At bakit dapat isama ang Tazocin (Piperacillin-Tazobactam) sa listahan? Lahat ba ng Pinoy eh naka-ICU na? Sobrang tapang ng antibiotic na yan. Hindi rin naman tama na yan ang unang gagamitin tuwing may sakit ang Pinoy. Sa totoo lang, madaming murang gamot na tatalab sa pangkaraniwang sakit ng Pinoy. Maraming gamot na dapat inuna. Ang gamot sa tuberculosis halimbawa. Bakit di nakasama dito? Eh kung tutuusin isa sa bawat anim na Pinoy ay may TB!
Maliwanag na ang mga gamot na nakalista sa MRP ay pampulitiko lamang ni Boy Padyak at ng kapitbahay ni Ate Glo na ngayon ay kanyang health secretary. Malinaw na hindi napagisipan mabuti at malinaw na walang isip din yung gumawa ng executive order na yan! Pirma na lang ng pirma si La Presidente! Kaya pag may bulilyaso, eh pulos paumanhin at paunawa ang hinihingi ng mga spokesperson niya sa palasyo. Kung tutuusin, kahit na ibaba ninyo ng 50% yang mga gamot na yan, eh di pa din kaya ng pangkaraniwang Juan de la Cruz makabili niyan! Kulang ang kanilang sueldo para makabili ng gamot o pambayad sa ospital o sa doctor man lamang.
At bakit di natin pagpatayan na lamang na walang parking fee ang bawat mall na pagaari ng mga Ayala, Gokongwei, Sy at iba't iba pa? Nung namatay si Sen. Cayetano, namatay na rin ang mungkahi ukol dito. At ang pagkamahal mahal na SLEX! Usog pagong na, kelangan pa magbayad ng 48pesos mula Nichols hanggang Sucat! Mga gago talaga ang mambabatas natin. Binatikos nila ang pamahalaan ng Skyway dahil dito. Nagbababa ng 20pesos sa Skyway, pero hindi sa pinagmumulan ng sobrang sikip ng trapiko. Tumahik ang mga hitad na mambabatas! Sanamagan! Saan ka nakakita ng mga tanga na uto uto pa? Dapat diyan, libre na muna ang daan mula Filinvest hanggang Nichols tulad ng nuong ginagawa pa ang NLEX! Dupang talaga ang lumalatay sa dugo ng Pinoy. Kanya kanyang hirit. Kanya kanyang yabang.
At dito ko ikukuwento ang pangkaraniwang araw ko sa Mercury Drug Store. Kasama ko si Inang na bumibili ng gamot. May babaeng pumunta sa counter, binigay ang reseta ng gamot at tinanong ang tindera, 'magkano ang isang tableta niyan'? 38.50pesos po, sagot ng tindera. 'Ang mahal naman!', reklamo ng ale. 'Wala bang generic niyan?'. 'Meron po, eto 8.50pesos lang', sagot ng tindera. 'O sige, yan na lang', sabay sagot ni aleng mamimili. Mayat maya, andiyan ang anak niyang pitong taong gulang na may bitbit dalawang latang Pringles. 'Mommy Pringles o', sabi ng bata. Sagot ng nanay sa tindera, 'O isama mo na yan'!
Putres talaga! Di man lang masabi ng nanay sa anak niyan - o anak, generic na lang, yung Jack ang Jill na lang. Kelangan talaga Pringles ang lumapat sa dila ng anak niya. Kasi, habang hawak hawak ng bata ang Pringles, may ipagyayabang sila. Naka-pringle si bunso! Ang gamot, walang makakakita. Lalaklakin lang at itatae na ito! Pwe! Yabang lang talaga ang Pinoy!
Kung ang mga katulong ko nga eh kelangan dalawa ang celfone. Isa pang Sun Call and Text, yung isa para ewan! At dito ubos ang sueldo ng mga hitad. May pera pang load. Pagdating sa pagbili ng gamot, wala! Lecheng buhay ito talaga! Kahit lubog sa utang basta ginagamit ni Piolo ay dapat naka-Bench din na brip si kuya. Kahit na ito lang ang brip niya at binabaliktad na lamang araw araw para lang may ipagmamalaki (ewan naman kung sino sisilip diyan.) Basta sinabi ni Pacman, "you know", e iinum ng VitWater kahit na tubig lang ay puede na. Sobrang OA! Driver ko nga ayaw ng tubig na pinakulo. Dapat mineral water! Eh mahirap pa sa daga, naghahanap pa ng bongga!
Di ninyo napapansin na tuwing malapit ang petsa ng suweldo tulad ng 15 and 30 eh nakikipagpatayan si Henry Sy sa sueldo ng mga Pinoy? The great sale ika nga! At kahit na basura ang binebenta sa mga mall, eh dapat sugod mga kapatid!!!! Basta may bitbit, kahit na asin na lang ipangkain mamayang hapunan, nakapag Time Zone si bunso at nakabili ng step-in si Ate. Mayabang talaga ang Pinoy. Di marunong mamaluktot.
Kahit na anong antas sa lipunan galing, sadyang mayabang ang Pinoy. Sa pinagtratrabahuhan kong kumpanya meron kaming mga distributors na nakabaon na sa utang eh akala mo mas mayaman pa kay GMA ang asta. Astigin talaga. Dahil lubog sa utang eh di malaman kung paano kami babayaran. Binenta ang kanilang Volvo. Bumili ng Camry para mag downgrade. At tumalbog ang tseke na pambayad sa amin. Putres, eh sobrang yabang talaga ng mga yan. Pag pupuntahan na ng sheriff para ma-sequester ang mga ari-arian, babayaran ang pobreng sheriff at tatahimik na lang ang hitad. Dapat, lethal injection ang sheriff at yung distributor para ma-sampolan.
Ang problem sa ating bansa ay di tayo marunong mamaluktot kung kelangang. Daig pa ang spoiled na bata. Pag kumakain ang trabahador ay isang maliit na platitong ulam na dilis, 2 cup na kanin, toyo at patis para magkalasa, at isang latang COKE! Putres talaga ang buhay na ito. Kaysa bumili ng ulam, inuna pa ang COKE! Eh wala kang magagawa, ika nga - 'open a can of happiness'! May pang-yosi pag natapos kumain, walang pera pambili ng Biogesic. Okay lang mag-tomaan na may kasamang pulutan, ayaw naman kumain ng tama! Diyos ko! Mahabagin langit, eh kung ganito lang ang takbo ng utak ng Pinoy, eh kahit na si Pokwang mananalo sa susunod na halalan bilang senadora at magiging presidente natin uli si Erap.
Kaya huwag kayong magrereklamo kung bakit sa Le Circque kumakain si Ate Glo. Hanggang hindi nagbabago ang ihip ng hangin kung paano matuturuan ng tama ang mga mambabatas eh sunud sunuran lang ang mga mamamayan. Yabang ang iiral! Ikaw nga, "monkey see, monkey do"!
Walang masama sa magyabang. Sana lamang nasa tamang lugar. Kadalasan, eh yabang to the max lang tayo - pekeng Louis Vuitton, pekeng DVD, pekeng Bench brip, pekeng Nokia (Bokia), pekeng pakikitungo sa kapwa. Walang masamang humangad na umangat. May tama at may mali. Ang yabang, dinadaan sa pagiging mapagkumbaba muna.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment