Sunday, October 25, 2009

KAWAWAWEEEE!!!





Tatagalugin ko na uli ito.

Ang malas talaga ng Pinoy. Damontres na buhay ito. Ang may kasalanan nito ay ang duwende na nakatira sa palasyo. Kung tutuusin, matalino ang duwende. Magaling siya maghasik ng lagim. Ang di alam ng nakararaming NoyPi ay kaya pinalaya ng duwende ang matandang halimaw mula sa hawla niya sa Tanay dalawang taon ng nakaraan ay para magkagulo ang bansa at malimutan ng tao ang pagnanakaw na ginawa ng pamilya ng duwende.

Kita mo nga naman. Pag magulo na ang pulitika sa bansa, wala ng panahon pa para magisip tungkol sa kahayupan ng duwende sa palasyo. Matalino di ba?

Kaya eto na naman. Parang kanta ni Gary V. Andiyan ka na naman...tumutukso tukso... Nakalabas na ang halimaw. Ang mga kampon ni halimaw na pulos matatandang kapre, tiyanak, tikbalang, balimbing at iba't iba pang mga demonyo ay nagsilabasan na din. Sabi nga ni duwende --- ang saya saya noh??!!?!?!

Lait na kung lait. Alipusta na kung alipusta. Kung may karapatan tumakbo maging pinuno ng bansa uli ang halimaw, puwes may karapatan din akong maglabas ng aking paningin at pandidiri. Kung meron man akong mga kaibigan na kamaganak ng halimaw at duwende, pasensiya na kayo. Walang personalan ito. Nasusuka lang ako sa teledrama at pagbabalik drama ng isang damakmak na leche sa pulitika.

Ang pagluluklok ng isang pinuno ay di nakukuha sa mga pangako. Ang mga pangako ay para sa mga nananaginip lamang. Ika nga ni Nora Aunor - walang himala!!! At di maaaring maghimala ang isang tanga. Walang utak ang halimaw. Mangangako yan na iaahon niya sa kahirapan si Juan. Pangako lamang. Si Juan Tanga at Juan Tamad ay aasa sa pangakong yon. Isang tanong - paano mo maasahan na boboto ng matino si Juan Tanga at Juan Tamad, kung sumakay at bumaba sa tamang lugar na pampasahero o tumawid sa tamang lugar ay di nga niya magawa? Ano ka, sinusuwerte?


Maraming gimik si halimaw. Andiyan ang mga alipores niyang artista na akala nila pag pinasaya nila ang mga uto uto ay puede na sila maging kandidato sa darating na halalan. Anak ng putakte. Huwag na tayong magbiruan pa. Sa totoo lang, sa tingin mo ba pag naging TV host ka eh talagang kaya mo ng bumili ng bapor, magagarang sasakyan at sandamakmak na bahay at lupa sa loob ng ilang taon? Eh sa lifestyle lang nila, ubos din ang pera sa pagpapasikat at pagpabongga. Ang tanong - bakit hindi sila ang habulin ng BIR? Wala pa akong nakikitang artista na hinabol ng BIR na namulubi. Ikaw meron na ba? Joke joke joke lang yan BIR noh! Konting kodakan lang sa mga artista eh ayos na. I dare them - ikulong ninyo si Juday at Goma! Kaya ba ninyo?

Kung tutuusin, kasalanan din natin lahat yan. Kaya kahit anong kayod natin para umahon sa kahirapan, eh lalo tayong naluluklok sa putikan. Binenta natin ang ating boto. Hindi marunong matuto ang NoyPi. Karamihan sa atin, mga Jologs. Mga naniniwala sa mga artista at ang kanilang mga walang saysay na telenovela, drama at pangarap. Nakatutok tayo sa mga "reality shows" at sumasali sa mga "game shows" kahit na alipustahin at paglaruan ng TV host. Masokista talaga ang NoyPi. Pustahan tayo, kung may palabas na nilalatigo ang "contestant" ay mas patok na patok yon. Madali tayong mauto. Sinabi lang ni Aga na ang Solmux ay nakakatunaw ng plema o ni John Lloyd na okay ang Biogesic, ay lunok agad si Juan Tanga at Juan Tamad. Para bang di tama na okay lang walang ulam na sa hapag kainan si Juan - huwag lang mawalan ng Coke. Open a can of happiness ika nga. Clik na clik nga si Aling Dionisia, dahil siya ang pangarap ng bawat Aling Dionisia sa bansa - na magkaroon sila ng anak tulad ni Pacman na iaahon sila sa hirap - dala ng kamao!

Oras na para ang pangkaraniwang mamamayan naman ang mangarap - ng isang mas magandang buhay, isang matinong bansa, isang pamahalaang maaasahan sa hirap at ginhawa. Pag nailuklok niyo uli ang halimaw at ang kanyang mga alipores, eh talagang bago ang ating kanta - KAWAWA-WE!!!

Friday, October 16, 2009

Reality sucks!



Give it to the Pinoys. They will want to copy almost anything. From the Koreanovelas that have been "Tagalized" and of course to the much awaited season comebacks of reality shows like Pinoy Big Brother and Survivor.

Although one can argue that we simply copied the foreign versions of these reality shows, one cannot help but observe at how pathetic our local versions are. I have nothing against copying foreign material - whether it is a game show or reality show - but I detest at the commercialization of these reality shows to the point of personal degradation. But it takes two to tango.

It just goes to show that many of us are willing to do anything - dress like woman, reveal one's sexual orientation, be on the air for the skimpiest of clothing and show all the bulges - anything at all. In reality, these reality shows include people who probably paid their way to get into the show or who were willing to show more skin. Look at some of the contestants - I mean, really now, how many percentage of the Filipino people who audition for the show actually have great abs? Duhhhh??? Was it required to show it to be part of the show? It addresses how pathetic the Filipino can be and is willing to debase himself on prime time TV. I chanced upon watching one whole episode of these shows one night. I was starving and had to get a bite to eat and my maids were still up watching some castaway in Survivor Palau demeaning a transexual. Argggggghhhhhhhhh!!!! People waste time, and effort and money watching some losers trying to get famous. After all, they have role models to follow. Never mind looking stupid today, tomorrow you'll be rich and famous. And that's a pathetic excuse to stardom. It serves as very bad role model for the Filipinos who probably are more "Starstruck" than the rest. You can tell, because Filipino children are very early on introduced into joining Little Miss Philippines, Birit Baby and other contests on noontime television - with parents serving as "pimps" for them.

But what makes the masses become avid followers of these reality shows? In the Philippines, it's a shot to fame. Unlike in other countries where the plum IS the cash prize, here, the masses can actually empathize with the "drama stories" or the sordid tattles of the contestants of the show. Instead of getting a life, we eventually have losers who are willing to put up with looking like idiots on reality TV. Interestingly, these shows have a following - not looking for real talent - but showing the irony of what people would do to get a shot of fame and fortune.

Tuesday, October 6, 2009

Maarte and Pinoy!




Kamuntik na ako makasapak ng tao. Leche talaga yang mga pasahero at mga pampasadang pampubliko na tumatambad sa mga kalye natin sa Metro Manila. Sabii nga ni Fernando Poe, Jr na "masikip ang mundong ito para sa atin". At masikip nga ang kalye ng Maynila para sa mga lintik na pedicab, tricycle, jeep, bus at ang mga bagong ipis - ang mga motor!

Hindi ko alam kung sino ang nagpauso ng sangkatutak na iba't ibang klaseng mga pampasadang pampubliko sa Pinas. Parang mga kabute na bigla na lamang nagsulputan. At lahat ng sulok ng ka-Maynilaan ay nagdurusa dahil sa pampasaherong publiko.

Hindi sa pagaalipusta, pero sa totoo lang, OA masyado ang pampasaherong publiko natin. Kung titignan mo, eh kahit na anong oras may pampasaherong publiko tayo na masasakyan. Kahit na walang laman yang mga jeep at bus at pedicab at tricycle, eh nasa kalsada sila. Nagaabang sa mga lugar na nakalagay "no loading and unloading". Harap harapan ng mga MMDA o pulis o trafik enforcer na lokal na pamahalaan. Eh mga ganid din yan mga yan. Hanep naman sila manghuli ng mga "color coding" pero yung mga pampasaherong publiko, harap harapan na ang paglabag sa batas pang trapiko, eh bulag bulagan pa ang mga putres na yan.

Isama na ninyo ang mga maaarteng mga pasahero. Dapat pag sinabi nilang PARA!!!, eh dapat mag preno agad ang mga driver. Kahit na tumilapon ang matanda na nakatayo sa harap mo, eh dapat bumaba na ang hitad na sumigaw ng PARA!!! Sana bumaba na ang putres na yon nung bumaba na yung isang ale sa kanto. Eh di pa nakaka primera ang driver, eh bababa na din itong hitad. Dapat kasi, sa harap ng barong barong o sa harap ng iskwater area o sa harap talaga ng bahay nila ihatid! Kulang na lang pag sigaw niya ng PARA!!! eh bababa ang driver din para buhatin ang hitad at dalhin ang prinsesa or reyna o prinsipe o hari hanggang sa paanan ng bahay nila. Leche talaga ang mga yan.

Kung may bayag man ang ating mga pinuno, at talagang may batas sa Pinas, eh dapat siguro takutin na talaga yang mga talipandas na yan na sobrang arte pagdating sa patakaran ng lansangan. Dapat, gawin ng pamahalaan ang mga sumusunod na patakaran:

1. Pag nahuli ang pedicab, tricycle, jeep o bus na nag loading and unloading sa mga lugar na bawal, tanggalin ng lisensiya ang driver at bawal na maging driver habang buhay. Sa totoo lang, wala siyang karapatan at rason para mag load and unload sa lugar na di dapat. Walang dahilan kahit na manganganak ang unano na sakay niya! Right there and then, sinusunog ang lisensiya at di na dapat bigyan kahit kelan ng LTO!

2. Ang pasahero na mahilig sumigaw ng PARA!!! ay dapat parusahan din. Kung sumakay at bumaba siya sa lugar na bawal, eh dapat may karapatan siyang masagasaan. Walang kasalanan ang nakasagasa sa kanya. Dapat may premyo pa nga ang makakasagasa sa mga pasaway na yan. Kung di sila masagasaan, ay dapat mahuli. Ang multa, kulong ng isang buwan na walang piyansa.

3. Ang mga linta at lintek na MMDA, pulis patola at trafik enforcers na mahilig mangotong ay dapat may death sentence to be implemented sa loob ng 24 oras mula sa pagkahuli sa akto. Kung masyadong mapanindig balahibo itong mga panukalang ito para sa mga human rights activists, eh puede naman gaanan. Putulin ang kamay ng mangongotong sa unang pagkakamali. Sa pangalawang pagkakamali, eh putulin na ang ulo. Matigas na masyado at di madala sa pagputol ng isang bahagi ng katawan.

4. Ang mga putres na pedestrian na tumatawid sa kalye natin ay isa pang balakid. Dahil lumaki tayo sa pambansang laro na patintero, eh ganun din akala ni Pepe at Pilar sa lansangan ng Pinas. Kaya ayan, hanggang paglaki, eh akala ng mga hitad na puede silang makipagpatintero kay Pantranco. Buwisit talaga. Gumagastos ako, mula sa buwis na binabayad ko, sa pagpatayo ng overpass para makatawid ng tama. Ang mga gago ay ayaw umakyat. Nakakapagod daw. Baka lumaki daw ang bayag nila. Baka mawala ang taba sa katawan nila. Kakakain lang daw nila at baka magka appendicitis daw sila. Ayyayay!!! Pag nakinig ka sa mga katwiran nila, aatakihin ka sa puso!! Lahat may rason. Aba eh kung ganun lang naman, gawin batas na bawal na gumawa ng overpass. Sayang lang ang pera. Kurakot lang ito ni Mayor. Eh wala naman gumagamit at walang pakinabang. Halimbawa na lang sa may amin sa Alabang. Sa harap ng Ayala Alabang Town Center eh may overpass na nakatumbad sa loob ng mall. Pero walang umaakyat dito. Ang dakilang Mayor namin na anak yata ni San Pedro ay gumuhit pa na pedestrian lane, mga 25 metrong layo mula sa overpass na ito. Dios mio!!! Talk about stupidity ano?!?!?! Eh talaga naman wala kang masabi dahil wala ngang mas stupid pa sa ginawang ito.

At ganyan ang Metro Manila mga kaibigan. Isang malaking lugar na punong puno ng mga maarte. Walang urban planning. Pulos kabig kung saan kikita. Sa kurakot. Sa kotong. Sa lagay. Walang disiplina. Palakasan. Short cut. Palakasan. Inaapi kami kasi kami'y dukha. Anak ng jueteng at tipaklong. Kung lahat ng mga yan eh pakikinggan natin, talagang paurong ang bansang ito.

Kahit na gaano kalapad mo gawin ang kalye, kahit na lagyan mo pa ng fountain and bawat plaza sa ilalim ng overpass, hanggang waland direksyon at ambisyon para ituwid and mali sa mga lansangan, eh talagang impiyerno ang pagmamaneho sa lansangan ng Pinas.

Eh ano pa nga ba, maarte talaga ang Pinoy!

Only once



When I opened my email yesterday, I was stunned. I could not believe that a friend passed away. Dr. Placido Calimag, surgeon and husband to Dr. Minerva Patawaran-Calimag and father to 8 wonderful children had a massive heart attack right in the UST Hospital. They tried to revive him, but he was in asystole. He was brought to the cardiac catheterization laboratory, but in spite of all efforts, not even the best doctors present could bring him back.

I could not sleep the whole night. I was thinking about Jun and Ervie. It's always the people we leave behind that feels the loss... the pain... the loneliness... the void... the whys and why nots... the things that we've not finished doing or had said when someone we love was still alive...

We recall all the sayings on how "short life is", on "how well we should live life", on "taking care of our health", and so on and so forth. What most of us forget is we only live for today. Yesterday will always be a foregone conclusion. Tomorrow, well, we never will know will we?

There will always be stories from friends or celebrities or some unknown person on being given second chances in life. Either being saved from an accident, or having a heart attack and surviving it, or coming down with cancer and ending up as a cancer survivor. These are all anecdotal experiences. Stories of hope amidst hopelessness. Yet the majority of us who go through grief do not share the "second chances" tales. The only story we can tell is how someone whom we love so dearly has left so soon...no goodbyes, no clues or signs, no tomorrows. How so much has been left undone or unsaid or will be missed.

I once asked a friend, if you had 24 hours to live, how would you spend it? Easy question, difficult answers. But that is what life is - too many things to do, too little time.

When my niece and nephew asked me why I decided to put up a public blog (they were not in favor of it because it was like exposing myself), I had one answer...I wanted to document my journey in life. That when I go, I will be remembered somehow and some of those whom I leave behind would probably get to read my thoughts, my opinions, my craziness, my weird life...and yes, my heartaches and pains.

You gotta admit that at the end of our journey in life, we travel this world, only once.


[Photo from FotoSearch Free Photography]

Saturday, October 3, 2009

Mid-Autumn Chinese Moon Cake Festival


Today marks the first day of the mid-autumn Chinese Moon Cake festival. It is the third major festival of the Chinese calendar and is held on the 15th of the 8th month. October 3 marks that day in the Roman calendar this year.

Since I am 100% Chinese by blood, we celebrate this festival with much fanfare, preparations and expectations annually. I had asked my mom the history of the event and the story she can remember, which I tell all my friends when they ask me, goes back to the 13th century. At the time, China was in revolt against the Mongols. Chu Yuen-chang, and his senior deputy, Liu Po-wen, discussed battle plans and developed a strategy to bring in weapons and armors to a certain walled city held by the Mongol enemy. Liu dressed up as a Taoist priest and entered the besieged city bearing moon cake. Inside the moon cakes were messages which he distributed to the revolutionary movement. When the time for the year's Chung Chiu festival arrived, people opened their cakes and found hidden messages advising them to coordinate their uprising with the troops outside. The biggest moon cakes had weapons hidden in them. Thus, the emperor-to-be ingeniously took the city and his throne.

There are other stories on the internet like the Lady in the Moon and the Man in the Moon, but I would prefer to relate to the story my mom told me.

In astrology, the moon is at its maximum brightness for the entire year during this day. With the onslaught of Typhoon Pepeng, we will not see the moon tonight. But we will definitely celebrate it with dinner followed by the traditional dice game where we try to see who wins the "chong wan". It is a game of luck and the dices will determine who among us will bring home the grand prize. It is said that whoever wins the grand prize is granted luck all year round. True or not, it is a gathering of family and friends. A bonding. Even during these times of tragedy and adversity, there is reason to celebrate. That we are alive. That we are well. And that we have lived another year, to be with one another to celebrate life.

Game ka na ba? Game na kami!!!