Sunday, March 14, 2010

Bitching 101 - Showbiz Pinoy (Part I)

Kung meron man pinagkakaabalahan ang Pinoy, mas matindi pa sa pulitika, eh showbiz yon. Maniwala man kayo o hindi, ito ang puno't dulo ng patayan at pantasya ng bawat Pinoy.

Pustahan tayo na yung mga kababayan natin na taga ibang bansa eh talagang nakadikit pa din sa TFC (The Filipino Channel). Masugid silang sumusubaybay sa bawat kilos at tsismis na nangyayari dito sa ating bansa.

Mantakin mo, kahit na pumunta ang mga jologs na artista na yan sa Amerika, eh talagang dinudumog ng mga kababayan natin. Parang mga asong ulol na hayok na hayok sa balita, makita lamang ang mga artista na hindi man lang marunong kumanta, sumayaw o kumain ng bubog.

Kaya chikahan na tayo ngayon!


1. Away ni Ruffa at Kris. Nag-walkout si Ruffa sa set ng The Buzz nung isang linggo. Paiyak iyak pa ang hitad. Tumawag ang nanay ni Ruffa at pinaalis siya sa set ng The Buzz. Nanggigilait sa galit at kung ano anong sumpa at salita ang lumabas sa bunganga ni Anabelle. Eh ano pa nga ba ang inaasahan ninyo sa isang palengkera? Ika nga, kahit na anong gawin mo sa yagit, bihisan mo man ng ginto at pilak, eh yagit pa din. At ang mga bading na paparazzi eh sugod mga kapatid sa restorant na pinagiiyakan ni Ruffa. Mga bading na ang nagharapan. Ang humarap sa mga reporters ay si Tabatsinang bading na naka pamewang pa. "Iwanan ninyo ang aking kaibigan." Pwe!! Ngayon lang yata na spotlight ang mantika ni taba. Grabe! Kaya nga pangit ang mga nakapaligid kay Ruffa eh baka matalbugan siya. Sa totoo lang, agaw pansin lang yang si Ruffa. Kung tutuusin, pa-laos na yan. Wala ng kukuha sa kanya. Laspag na. Matanda na. In short, a HAS BEEN. Eh tandain ninyo, yan ang palabigasan ni Anabelle nuon sariwa pa siya.

Eto naman si Kris eh talagang taklesa (tactless) queen! Kunwari maawa effect, at paiyak iyak. Sa totoo lang, di yan magpapatalbog. Kahit na sinong guest ilagay ninyo diyan, pagkatabi ni Kris, eh malamang talbog sa kanya. Silang dalawa lang ni Boy Abunda ang nagkakaunawaan. Sa totoo lang, mahilig talagang mang-okray si Kris. Magaling siya diyan. Kung meron lang gagawang talk show na walang ginawa ang host kundi mang-okray, puwes para kay Kris yon. Kahit na yung Deal or No Deal ni Kris nuon -- hanggang sa damit, sapatos, kuko, buhok ng contestant...ay naku...kung manlait yang babaeng yan, eh parang siya lang ang may karapatan mabuhay sa mundo!

Ewan ko ba. Napanuod ko naman yung segment na pinagawayan (DAW) nila. Eh napakababaw. Kailangan lang talagang gumawa ng grand exit itong si Ruffa. At siempre, may eksena si Anabelle. Di ko lang alam kung bakit nasama ang baklang tabatsina na nagdadabog habang humahagulgol si Ruffa.

Sa totoo lang, yung pinagsasabi ni Anabelle sa GMA7 nung ininterview ng isa pang chikadora na intrigera si Pia Guano eh talaga naman nakaka-high blood! Asal palengke, asal walang pinagaralan, at asal bugaw talaga!

All's well that ends well ika nga. Kaya etong linggo, abangan si Greta (Gretchen Barretto) na papalit kay Ruffa sa The Buzz! Ang tanong, kaya ba ni La Greta taubin si Kris?

At sa takbo nga ng showbiz talk show na eto, eh baka naman magaway away na naman ang mga matrona ng showbiz!

2. Hunks galore? - Dios mio! Yan lang ang masasabi ko.

Ngayon ay nagpapatalbugan na ng katawan, hindi ang mga girls, kundi ang mga boys (kuno) sa showbiz. Pakitaan na ng bukol ng brip. Pakitaan na ng abs at konting bulbol. Pakitaan ng puwet at konting sinag ng ari! Aray ko! At ang mga lalaki (kuno) ay nagpapatalbugan na sa rampa! Salamat kay Ben Chan, ang mga lalaking pokpok at mga paminta (macho gays) ay nagsipag sulputan na parang mga kabute.





At ito din ang dahilan kung bakit ang dami dami daming bakla ngayon sa showbiz! Hindi bilang reporter lang ha, kundi mga artista din. Yung mga pa-macho effect sa masa, pero sa likod ng mga sinehan o gaybar, sila yung mga sumisigaw ng DARNA!!!

Walang masama naman dito. Raket raket lang yan. Tamaan ng kidlat ang mga nagbabalatkayo!

3. Talentadong Pinoy vs Pilipinas Got Talent - Yung una ay yung generic version ng syndicated show Pilipinas Got Talent. Para makatipid, eh ginaya lang ng Talentadong Pinoy ang format ng ___ Got Talent na isang franchise show sa iba't ibang bansa.



Dito magaling ang Pinoy. Nagpapakita ng kung ano anong gilas. Mula sa pagkain ng bubog hanggang sa pagtula, kanta, sayaw, padyak, hubad, ay madre mia! Naalala ko tuloy na ang mga baklang perya na sobrang galing umupo sa mga barya na nasa taas ng isang boteng beer. Uupuan nila ang mga barya (mga 20 yan) at isasaksak sa puwet nila at isa isang iluluwa parang alkansiya. Bakit kaya di sumali ang mga yan? Mas talentado pa yan kesa sa mga ngongo na kumakanta noh!

Parehong format yang dalawang palabas na yan. Kaya kitang kita ninyo ang daming talent talaga sa Pinas! Dalawang channel pa ang nagpapakitang gilas. Isa sa mga judges sa Talentadong Pinoy ay si Ruffa. At isa sa mga judges ng Pilipinas Got Talent ay si Kris. Parehong oras. Parehong araw. Ibang channel nga lang.

Nagkataon lang ba o talagang magsasalpukan pa din ang landas ng mga ito?

At para sa inyong palaisipan...sa tatlong show hosts na lalake, isa ay lalakwe...hulaan ninyo!


Itutuloy...





No comments: